Ini-ulat Abril 9, 2023, ng mga media ng Pransya’t Amerika, na sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Tsina, ipinahayag ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, na dapat bawasan ng Europa ang pagkakadepende nito sa Amerika.
Si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya / file photo
Tinukoy niyang mas malaki ang pagkadepende ng Europa sa Amerika sa larangan ng sandata.
Dapat aniyang magsikap ang Europa para pasulungin ang pag-unlad ng sarili nitong industriyang pandepansa, at itatag ang komong pamantayan ng Europa sa larangang ito.
Bukod diyan, dumaragdag din ani Macron ang pagkaka-asa ng Europa sa suplay ng enerhiya mula sa Amerika.
Kailangang magkaroon ng dibersipikadong pinagmumulan ng enerhiya ang Europa, at pabilisin ang pag-unlad ng enerhiyang nuklear at renewable energy, saad pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio