Shaanxi, dapat magsikap para kathain ang sariling pahina sa konstruksyon ng modernisasyong Tsino – Xi Jinping

2023-05-18 16:44:01  CMG
Share with:

Bago niya panguluhan ang China-Central Asia Summit (CCAS), pinakinggan muna Mayo 17, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ulat ng gawain ng mga lokal na pamahalaan ng lalawigang Shaanxi.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi, na dapat magsikap ang lalawigan para kathain ang sariling pahina ng modernisasyong Tsino.

 


Aniya, dapat magsikap ang Shaanxi para makamtan ang bagong pagsulong sa inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya; pagtatatag ng modernong industriyal na sistema; aktuwal na pagpapasulong sa komong kayamanan at pagbabawas ng agwat sa pagitan ng mga lunsod at nayon, tungo sa komprehensibong konstruksyon ng modernong bansa; malakas na pagpapasulong sa berde’t mababang karbong pag-unlad; pagpapataas sa lebel ng sibilisasyong ekolohikal; pagpapalawak ng pagbubukas sa loob at labas ng Tsina; at pagtatayo ng dekalidad na reporma’t pagbubukas sa labas.

 

Sa kanyang biyahe sa Shaanxi, tumigil din Mayo 16, si Pangulong Xi sa karatig lalawigang Shanxi, at bumisita sa Yuncheng Museum at Yuncheng Salt Lake, na nasa lunsod Yuncheng.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio