Aklat ni Xi Jinping sa inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya ng Tsina, inilathala

2023-05-29 16:17:27  CMG
Share with:

Inilathala kamakailan ng Central Party Literature Press ang kompilasyon ng mga diskruso ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapatatag ng pagsandal sa sariling lakas, sa larangan ng agham at teknolohiya.

 

Naglalaman ng 50 may kaugnayang diskurso, ang libro ay kinompila ng Institute of Party History and Literature ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Kabilang sa mga ito ay mga diskursong naisapubliko sa kauna-unahang pagkakataon.

 

Sistematikong ipinaliliwanag ng mga ito ang obdiyektibong estratehiya, masusing target, pangunahing hakbangin, at saligang kahilingan para sa pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ng Tsina, na may mahalagang katuturan at patnubay sa pagbabago ng Tsina bilang malakas na bansa sa siyensiya’t teknolohiya, pagpapalakas ng tiwala sa sarili at pag-angat ng lakas sa siyensiya’t teknolohiya sa mataas na lebel, at pagpapasulong sa dekalidad na pag-unlad.

 

Simula nang Ika-18 Kongreso ng CPC noong 2012, malaking pagpapahalaga ang ipinakikita ng Komite Sentral, sa pamumuno ni Kasamang Xi Jinping sa pagbabago at pag-unlad ng agham’t teknolohiya, at ito ay humantong sa mga makasaysayang tagumpay at pagbabago sa mga gawain ng bansa sa nasabing usapin.

 

Ang libro ay mabibili na sa buong Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio