Isang mensahe ang ipina-abot Mayo 29, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Recep Tayyip Erdogan, bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang pangulo ng Turkey.
Ani Xi, kapuwa mga bagong merkado at umuunlad na malaking bansa ang Tsina’t Turkey.
Mayroon din aniyang malawak na komong kapakanan ang dalawang panig.
Patuloy na lumalakas ang estratehikong partnership ng Tsina at Turkey nitong ilang taong nakalipas, at natamo ang positibong bunga sa aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, saad ni Xi.
Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Turkey, at nais niyang suportahan ng dalawang bansa ang isa’t-isa sa mga isyung kapuwa pinahahalagahan at may kaugnayan sa nukleong kapakanan.
Ito aniya ay para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at Turkey.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio