Unilateral na sangsyon, hindi solusyon sa problema ng Amerika - Tsina

2023-06-01 16:11:21  CMG
Share with:

Sa katuwiran ng umano’y krimeng may kinalaman sa pinagbabawal na gamot, 13 entidad at indibiduwal mula sa Tsina ang pinatawan kamakailan ng sangsyon ng Amerika.


Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 31, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang unilateral na sangsyon ay hindi solusyon sa problema ng Amerika sa ilegal na droga, at lalo pa itong hahadlang sa kooperasyon ng Tsina at Amerika. 



Ayon sa panig Amerikano, ipinataw ang sangsyon, dahil iniluwas ng nasabing mga entidad at indibiduwal ng Tsina ang mga makinang pandiin ng tableta o pill press at die mold sa Amerika’t Mexico.


Sabi ni Mao, ang nasabing mga produkto ay komong paninda, at walang restriksyon sa paggawa at pagluluwas ng mga ito, hindi lamang sa Tsina, kundi sa daigdig din. 


Ang karapatang magbawal sa pagpasok ng mga kagamitan sa paggawa ng droga ay nasa kamay ng nag-aangkat, dagdag niya.


Tinukoy ni Mao, na nais makipagkooperasyon ng Amerika sa Tsina, pero muli nitong isinagawa ang sangsyon sa mga entidad at indibiduwal ng Tsina, na malubhang nakapinsala sa kanilang lehitimong karapatan. 


Mahigpit na kinondena ng Tsina ang hakbang na ito ng Amerika, saad ni Mao. 


Dagdag pa niya, patuloy na isinasagawa ng Tsina ang kailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kompanya at indibiduwal ng bansa. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio