Subok-operasyon ng pasilidad sa Fukushima na maglalabas ng dekontaminadong radyo-aktibong tubig sa dagat, sinimulan

2023-06-12 16:51:43  CMG
Share with:

Ayon sa Kyodo News ng Hapon, sinimulan ngayong araw, Hunyo 12, 2023 ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) ang subok-operasyon ng isang pasilidad na maglalabas ng dekontaminadong radyo-aktibong tubig sa dagat mula sa Fukushima Daiichi nuclear power plant.

 


Ito ay para subukin ang kondisyon ng mga bomba at tubo ng tubig, at isang “shutoff device” ng buong pasilidad.

 

Nauna rito, ini-ulat ng TEPCO, na ang mga radyo-aktibong elemento sa mga isdang nakuha malapit sa daungan ng Fukushima Daiichi nuclear power plant ay lampas pa rin sa pamantayan ng kaligtasan para sa konsumo ng tao.

 

Kabilang dito, ang elementong Cs-137 ay nasa 180 beses na mas mataas kaysa pinakamataas na bolyum na naitakda sa batas pangkaligtasan ng pagkain ng Hapon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng Timog Korea ang pagpapanatili ng pagbabawal sa pag-aangkat ng mga pagkaing-dagat mula sa Fukushima Prefecture ng Hapon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio