Ipinahayag Abril 26, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksidenteng nuklear ng Fukushima ay pinakamataas na antas sa buong daigdig. Dinulot nito ang napakaraming pagtagas ng radioactive material na may malaking epekto sa kapaligiran ng dagat at kalusugan ng sangkatauhan.
Aniya, dapat maayos na hawakan ng Hapon ang mga susunod na hakbangin tulad ng decommissioning ng pasilidad na nuklear at pagsasaayos sa nuclear contaminated water para igarantiya ang absolute na kaligtasan.
Binigyan-diin ni Mao na muling hinimok ng Tsina ang Hapon na tamang hawakan ang pagkabalisa ng komunidad ng daigdig, isakatuparan ang obligasyong pandaigdig, partikular na ang paggarantiya ng pansiyensiya, bukas, maliwanag at ligtas na pagsasaayos ng nuclear contaminated water, na kinabibilangan ng lubos na pananaliksik sa ibang paraan ng paghawak ng nuclear contaminated water liban sa pagtagas nito sa dagat, at dapat tanggapin ng Hapon ang pagsuperbisa at pagmomonitor mula sa komunidad ng daigdig.
Hindi dapat simulan ng Hapon ang pagtagas ng nuclear contaminated water sa dagat bago ang pagtiyak ng lahat ng kinauukulang panig at organong pandaigdig ng kaligtasan sa paraang ito, dagdag niya.
Salin:Sarah
Puildo:Ramil