Sinimulan Hunyo 13, 2023 ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina ang 4-araw na dalaw-pang-estado sa Tsina, at isang araw makaraan nito, inanunsyo ng mga lider ng dalawang bansa ang pagtatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Palestina.
Iniharap ni Pangulong Xi Jinping ang tatlong paninindigan na muling nagpapakita ng buong tatag na pagsuporta ng panig Tsino sa makatarungang usapin ng mga mamamayang Palestino sa pagpapanumbalik ng lehitimong karapatan at kapakanan ng nasyon.
Nasa tuluy-tuloy na linya ang nilalaman ng nasabing tatlong paninindigan at apat na paninindigang iniharap ng panig Tsino noong 2013 at 2017, at nagbibigay ito ng direksyon para sa pagresolba sa isyu ng Palestina.
Ipinalalagay ng panig Tsino na ang saligang solusyon sa isyu ng Palestina ay pagtatayo ng independiyenteng estado ng Palestina na may kabiserang Herusalem at hanggang itinakda noong 1967.
Ipinagdiinan din ng panig Tsino na dapat igarantiya ang pangangailangan ng Palestina sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa katunayan, laging nagpupunyagi ang Tsina para tulungan ang Palestina.
Noong 2022, nilagdaan ng dalawang bansa ang memorandum of understanding ng kooperasyon sa Belt and Road, at umabot sa US$158 milyon ang halaga ng bilateral na kalakalan ng kapuwa panig sa nasabing taon. Ito ay lumaki ng 23.2% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Tinukoy rin ng panig Tsino na dapat igiit ang tumpak na direksyon ng talastasang pangkapayapaan, at ito ang siyang tanging lunas sa isyu ng Palestina at Israel.
Salin: Vera
Pulido: Ramil