Ika-16 na World Chinese Entrepreneurs Convention, binuksan sa Bangkok

2023-06-26 15:41:52  CMG
Share with:


Sa ilalim ng temang “Creating a new chapter together with Chinese business acumen,” binuksan Linggo, Hunyo 25, 2023 sa Bangkok, Thailand ang Ika-16 na World Chinese Entrepreneurs Convention.

 

Magkasamang tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pandaigdigang pagkakataong pangkaunlaran para sa mga mangangalakal na Tsino sa buong mundo pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa kanyang talumpating panalubong, inihayag ni Narongsak Putthapornmongkol, Presidente ng Thai-Chinese Chamber of Commerce (Thai CC), ang pag-asang sa pamamagitan ng nasabing kumbensyon, mailalatag ang bagong plataporma para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng usapin ng mga mangangalakal na Tsino sa daigdig, hahanapin ang bagong pagkakataon, at gagawin ang bagong ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sinabi naman ni Jurin Laksanawisit, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Komersyo ng Thailand, na bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ginagampanan ng Tsina ang napakahalagang papel sa kabuhayan ng mundo, at ang mga mangangalakal na Tsino ay mahalagang tulay sa pagitan ng mga sirkulo ng komersyo ng Tsina at iba’t-ibang bansa.

 

Dumalo rito ang mahigit 3,000 mangangalakal na Tsino at mga kinatawan ng mahigit 200 kilalang kompanya mula sa mahigit 50 bansa’t rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio