Suporta, tuluy-tuloy na ipagkakaloob ng Amerika sa Ukraine

2023-06-26 16:53:25  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas ng White House, Hunyo 25, 2023, tinalakay nina Pangulong Joe Biden ng Amerika at Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine ang suportang tuluy-tuloy na ipagkakaloob ng Amerika sa Ukraine para sa paglaban sa Rusya.

 


Ani Biden, kabilang sa suportang ipagkakaloob ng Amerika sa Ukraine ang tulong panseguridad, pangkabuhayan at makatao.

 

Tinalakay din ng dalawang pangulo ang pinakahuling kalagayan sa loob ng Rusya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio