Ipinahayag kamakailan sa Berlin, Alemanya, ni Li Hui, Espesyal na Kinatawang Tsino sa mga usapin sa Eurasian, na sinusuportahan ng Tsina ang mga bansang Europeo na tingnan ang ugat ng sanhi ng krisis, humanap ng solusyon, at gumawa ng pagsisikap para sa pangmatagalang katatagan ng kontinente ng Europa.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 25, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Krisis ng Ukraine ay trahedya na sana ay naiwasan. Ang esenya ng krisis na ito ay pagsiklab ng mga salungatan sa pamamahala ng seguridad ng Europa.
Ani Mao, ang Krisis ng Ukraine hanggang ngayon ay naging masakit na aral na dapat malalimang pagninilayan ng lahat ng panig.
Sa Krisis ng Ukraine, palagiang ginagawa ng Tsina ang sariling pagpapasya batay sa merito ng isyu, at palagiang pinapasulong ng Tsina ang mapayapang talastasan. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para ganapin ang konstruktibong papel para sa paglulutas ng Krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng pulitikal na paraan, dagdag ni Mao.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil