Summer Davos 2023 sa Tianjin, handa na

2023-06-26 16:56:00  CMG
Share with:

Idaraos mula Hunyo 27 hanggang Hunyo 29, 2023 sa lunsod Tianjin, Tsina ang 14th Annual Meeting of the New Champions o Summer Davos Forum.

 

Mga 1,500 personahe mula sa mahigit 100 bansa't rehiyon and dadalo rito. Sila ay manggagaling sa sirkulo ng komersyo, pamahalaan, organisasyong panlipunan, organisasyong pandagidig, akademiya at iba pa.

 

Tatalakayin sa porum ang mga paksang kinabibilangan ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa inobasyon at negosyo, at paglikha ng mas pantay, sustenable at pleksibleng kabuhayang pandaigdig.

 

Bukod pa riyan, pag-uusapan din ang mga pinakahuling isyu sa buong mundo tulad ng isyu ng utang, katatagan ng pinansya, aksyon hinggil sa klima at iba pa, na mayroong pansistemang katuturan para sa Asya at buong daigdig.

 

Bukod dito, itatanghal sa porum ang mga produkto ng siyensiya at inobasyon.

 

Hanggang sa kasalukuyan, handa na ang iba’t ibang gawain kaugnay ng porum.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio