Ika-3 China-Africa Economic and Trade Expo, binuksan

2023-06-29 16:19:45  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Komong Pag-unlad para sa Pinagbabahaginang Kinabukasan,” binuksan ngayong araw, Hunyo 29, 2023, sa Changsha, punong lunsod ng lalawigang Hunan sa dakong gitna ng Tsina, ang Ika-3 China-Africa Economic and Trade Expo (CAETE).

 

Tatagal ng 4 na araw, kalahok dito ang mga kinatawan mula sa 53 bansang Aprikano at maraming internasyonal na organisasyon.

 

Samantala, nasa 1,500 ang bilang ng mga eksibitor, at ito ay 70% mas mataas kumpara sa nakaraang ekspo.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, idaraos ang porum at seminar kaugnay ng kooperasyon sa medisinang Tsino, diyalogo ng mga kababaihan, at propesyonal na edukasyon.

 

Kabilang sa mga bansang panauhing pandangal ay Benin, Demokratikong Republika ng Congo, Madagascar, Malawi, Morocco, Mozambique, Nigeria at Zambia.

 

Naka-eksibit sa ekspo ang maraming produktong “gawa sa Aprika.”

 

Nagsimula noong 2019, ang ekspo ay isa na ngayong pangunahing plataporma sa pagpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Aprika.

 

Salin:Sarah

Puildo:Rhio