Xi Jinping, binigyang-diin ang pagpapasulong ng modernisasyong Tsino sa paglalakbay-suri sa Jiangsu

2023-07-08 18:54:30  CMG
Share with:


Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina mula Hulyo 5 hanggang Hulyo 7, 2023, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patingkarin ng lalawigang ito ang pamumuno at pang-ulirang papel sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, sa pamamagitan ng mga bentahe nitong gaya ng matatag na pundasyong pang-industriya, masaganang yamang pansiyensiya at pang-edukasyon, mabuting kapaligirang pang-negosyo, at malaking pamilihan.



Sa panahon ng paglalakbay-suri, pumunta si Xi sa mga lunsod ng Suzhou at Nanjing ng lalawigang Jiangsu, para bumisita sa mga lugar na kinabibilangan ng isang industrial park, mga bahay-kalakal, isang bloke na pangkasaysayan at pangkultura, at isang laboratoryong pansiyensiya.



Binigyang-diin din niya ang mga usapin ng pagpapalakas ng modernisasyon ng siyensiya at teknolohiya, pagbuo ng modernong sibilisasyong Tsino, pagpapabuti ng mga mekanismo ng pagpapasulong at serbisyong pampubliko para sa paghahanapbuhay, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos