Sa sagot na liham, Hulyo 4, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga banyagang estudyante ng Master of Auditing Program ng Nanjing Audit University ng Tsina, inenkorahe niya ang mga mag-aaral na palakasin ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto sa mga kaibigang Tsino, alamin at unawain ang Tsina sa pamamagitan ng pag-a-awdit, at aktibong mag-ambag sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at pagtutulungan sa pagitan ng mga bansa.
Ang Master of Auditing Program ng Nanjing Audit University ay itinayo noong 2016, at hanggang sa kasalukuyan, mahigit 280 estudyante mula sa 76 na bansa sa kahabaan ng Belt and Road Initiative (BRI) ang sinanay na sa programang ito.
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa Tsina, hindi lamang na-master ng mga banyagang estudyante ang kaalaman sa pag-a-awdit, kundi naramdaman din nila ang modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pangangasiwa ng Tsina, sa pamamagitan ng pagbisita sa magkakaibang pook.
Sila ay nagsisilbing embahador ng mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng mga bansa.
Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakaharap ng BRI.
Ang pag-aaral sa Tsina ng naturang mga estudyanteng mula pa sa iba’t-ibang bansa, partikular mula sa mga umuunlad na bansa, ay isa sa mga bunga ng nasabing inisyatiba.
Ang ganitong uri ng people-to-people bond ay nakakapagpatingkad ng tuluy-tuloy na lakas-panulak para sa de-kalidad ng kooperasyon ng Belt and Road.
Salin: Vera
Pudlio: Rhio