Tsina sa NATO: itigil ang mapanganib na aksyong magdudulot ng kaguluhan sa Europa at Asya-Pasipiko

2023-07-13 17:04:03  CMG
Share with:

Kaugnay ng kondemnasyon sa Tsina ng Komunike ng Vilnius Summit na inilabas ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kamakailan, hinimok, Hulyo 12, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang NATO na agarang itigil ang paninirang-puri sa Tsina, at itakwil ang mapanganib na aksyong magdudulot ng kaguluhan sa Europa at Asya-Pasipiko.

 


Aniya, iginagalang ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ang isa’t-isa, sila ay bukas at kooperatibo, at maayos na pinangangasiwaan ang mga pagkakaiba, kaya napapanatili ang kasaganaan at katatagan sa rehiyon.

 

Ang pagpasok ng NATO sa Asya-Pasipiko ay magdudulot ng pangkagipitang kalagayan, grupo-grupong komprontasyon, at “bagong Cold War,” saad niya.

 

Ayon sa naturang komunike, hindi malinaw ang polisiya ng Tsina sa isyu ng sandatang nuklear.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Wang na bilang samahang militar na mayroong pinakamarami at pinakamalakas na sandatang nuklear, iresponsableng kinakalat ng NATO ang di-umano’y bantang nuklear ng Tsina.

 

Matatag aniya itong tinututulan ng Tsina.

 

Dagdag ni Wang, iginigiit ng Tsina ang depensibong estratehiyang nuklear, at pinapanatili ang kakayahang nuklear sa pinakamaliit na lebel, na akma sa pambansang seguridad.

 

Walang intensyon ang Tsina na isagawa ang nuclear arm race, dagdag ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio