NATO, dapat mataimtim na pagsisihan ang sariling krimen – MOFA

2023-05-09 16:07:03  CMG
Share with:

Tinukoy Lunes, Mayo 8, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat mataimtim na pagsisihan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na pinamumunuan ng Amerika ang sarili nitong krimen, lubusang bitawan ang lipas sa modang kaisipan ng Cold War, ihinto ang pagpupukaw ng kontradiksyong panrehiyon, itigil ang paglikha ng mapangwatak at ligalig na situwasyon, at gawin ang tunay na pagsisikap para sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan, at pangmalayuang katiwasayan ng Europa at daigdig.

 


Saad ni Wang, noong Mayo 7 ng 1999, binomba ng NATO na pinangunguluhan ng Amerika ang pasuguan ng Tsina sa Federal Republic of Yugoslavia, 3 mamamahayag na Tsino ang nasawi rito, at mahigit 20 diplomatang Tsino ang nasugatan.

 

Tinukoy ni Wang na makaraan ng Cold War, paulit-ulit na inilunsad ng US-led NATO ang sagupaan at digmaan sa daigdig.

 

Ayon sa di-kumpletong datos, ilampung libong katao ang nabiktima sa mga digmaang inilunsad at sinali ng NATO pagkaraan ng 2001, at daan-daang milyong mamamayan ang nawalan ng tahanan.

 

Nitong nakalipas na isang panahon, tuluy-tuloy na dumadako ang NATO sa silangang Asya-Pasipiko, pinupukaw ang bloc confrontation, at sinisira ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, bagay na nakatawag ng lubos na pagmamatyag ng mga bansa sa rehiyon, dagdag pa ni Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil