Inanunsyo Hulyo 17, 2023, ng Tsina, ang datos ng kabuhayan ng bansa noong unang hati ng taong 2023. Ayon sa inisyal na report, umabot sa 59.3 trilyong yuan RMB ang gross domestic product (GDP) ng bansa, kung saan lumaki ito ng 5.5% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay mas mabilis kumpara sa ibang maunlad na ekonomiya sa mundo at ang Tsina ay patuloy na nagiging makina ng pandaigdigang paglago.
Noong unang hati ng taong 2023, umabot sa 22.7 trilyong yuan RMB ang Total Retail Sales of Consumer Goods ng Tsina, na lumaki ng 8.2% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Isa itong napakalaking pagkakataon sa pamilihan para sa mga dayuhan kapital.
Sa simula ng taong ito, aktibong pinapasulong ng Tsina ang pagtatag ng sistema ng pamilihan sa mataas na pamantayan, pinapabilis ang unified national market, matatag na pinapalawak ang institusyonal na pagbubukas sa labas, at pinapabilis ang market-oriented, law-based at internationalized business environment.
Sa kontekstong ito, sunod-sunod na dumating sa Tsina ang mga transnasyonal na kumpanya. Sa kasalukuyan, “ang Tsina ay nagbibigay ng mahalagang suporta para sa pagpapatakbo ng industrial at supply chain ng buong mundo” ay naging komong palagay ng mga internasyonal na tao.
Bukod dito, palagiang ginaganap ng Tsina ang papel sa pandaigdigang pagsasa-ayos, na nagdudulot ng kaginhawaan para sa puhunang dayuhan.
Kamakailan, natapos ang talastasan ng Joint Statement on Investment Facilitation for Development ng World Trade Organization (WTO). Ito ang kauna-unahang mahalagang tema na inilahad ng Tsina sa WTO at matagumpay na natapos ang talastasan.
Kung ang kasunduan ay magkakabisa at maayos na maipapaptupad, magdadala ito ng 1 trilyong dolyares na benepisyo sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng buong daigdig ang maraming hamon, at ang “katatagan” ay lubos na kinakailangan. Ang Tsina ay maaaring magkaloob ng katatagan. Kaya, malawak na sinang-ayunan ng komunidad ng daigdig ang pananalitang “ang pamumuhunan sa Tsina ay katulad ng pamumuhunan sa kinabukasan.”
Salin:Sarah
Pulido:Ramil