Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Lunes, Hulyo 17, 2023, umabot sa 59.3 trilyong yuan RMB (mga 8.3 trilyong dolyares) ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong unang hati ng 2023, at ito ay lumago ng 5.5% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, ang value-added industrial output, isang mahalagang ekonomikong indikator ng Tsina, ay lumaki ng 3.8% noong unang hati ng taong ito kumpara sa gayun ding panahon ng 2022.
Tumaas ng 4.4% ang naturang indeks noong Hunyo, at ito ay mas mabilis kaysa 3.5% paglago nito noong Mayo.
Bukod pa riyan, tumaas ng 8.2% kumpara sa gayun ding panahon ng 2022 ang kabuuang halaga ng tingian ng bansa noong unang hati ng taong ito.
Salin: Vera
Pulido: Ramil