MOFA: Isa pang halimbawa ng pakinabang na dulot ng “Belt and Road”

2023-07-20 17:14:03  CMG
Share with:

Kamakailan, sinimulan ang operasyon ng Dasherkandi Sewage Treatment Plant, isang modernong large-scale sewage treatment plant sa Bangladesh.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 19, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ang isa pang halimbawa ng pakinabang na dulot ng “Belt and Road” para sa lokal na populasyon ng mga kalahok na bansa.

 


Sinabi ni Mao na ang Dasherkandi Sewage Treatment Plant ay unang malaking modernong sewage treatment facility sa Bangladesh at ito rin ang pinakamalaking monolithic sewage treatment plant hanggang ngayon sa rehiyong Timog Asya. Maaaring hawakan nito ang sewage ng 5 milyong populasyon sa lunsod ng Dasherkandi, na kayang pataasin nang malaki ang kalidad ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan, dagdag niya.

 

Ani Mao, nitong 10 taong nakalipas, sapul nang inilahad ang Belt and Road Initiative (BRI), 420,000 trabaho ang nilikha nito para sa mga kalahok na bansa, at halos 40 milyong populasyon ang umahon mula sa karalitaan.

 

Ayon sa pananaliksik ng World Bank, hanggang sa taong 2030, sa ilalim ng BRI, lalaki ng 2.8% sa 9.7% ang kalakalan ng mga kalahok na bansa, lalaki ng 1.7% sa 6.2% ang pandaigdigang kalakalan, at lalaki ng 0.7% sa 2.9% ang pandaigdigang kita.

 

Ipinahayag ni Mao na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para walang humpay na pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng BRI, na makatulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at sustenableng pag-unlad ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil