Ika-31 FISU Summer World University Games, binuksan sa Chengdu

2023-07-28 22:30:21  CMG
Share with:


Opisyal na binuksan ngayong gabi, Hulyo 28, 2023, sa Chengdu, punong lunsod ng lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina, ang Ika-31 International University Sports Federation (FISU) Summer World University Games.

Kasama ang mga lider ng Indonesia, Mauritania, Burundi, Guyana, Georgia, at FISU, dumalo sa seremonya ng pagbubukas na idinaos sa Dong'an Lake Sports Center si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ipinatalastas niya ang pagbubukas ng palaro.

Dalawang beses na ipinagpaliban dahil sa pandemiya ng COVID-19, ang palarong ito ay idinaraos ngayon sa bandang huli, at tumatagal ito hanggang sa darating na Agosto 8.

Magpapaligsahan sa palaro ang halos 6,500 batang atleta mula sa mahigit 113 bansa at rehiyon. Pasa sa kanila, ito ay hindi lamang isang aktibidad na pampalakasan, kundi mahalaga ring plataporma para sa pagkakaibigan at pagpapalitan.


Editor: Liu Kai