Pangulo at Unang Ginang ng Tsina, inihandog ang bangkete para sa mga dayuhang panauhin sa Chengdu Universiade

2023-07-28 16:15:22  CMG
Share with:


Inihandog ngayong tanghali, Hulyo 28, 2023, sa Chengdu, lalawigang Sichuan ng Tsina, nina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng bansa ang bangkete bilang pagtanggap sa mga dayuhang panauhing dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-31 FISU Summer World University Games o Chengdu Universiade.

 

Kabilang sa mga panauhin ay sina Pangulong Joko Widodo at Unang Ginang Iriana Joko Widodo ng Indonesia, Pangulong Mohamed Ould Cheikh Ghazouani ng Mauritania, Pangulong Evariste Ndayishimiye ng Burundi, Pangulong Irfaan Ali ng Guyana, Punong Ministro Irakli Garibashvili ng Georgia, at Umaaktong Presidente Leonz Eder ng International University Sports Federation (FISU).

 

Sa kanyang talumpati sa bangkete, sinabi ni Xi, na ang pagtataguyod ng Tsina ng Chengdu Universiade ay naglalayong magbigay ng bagong ambag para sa pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng kalakasan ng kabataan.

 

Tinukoy din ni Xi, na ang Chengdu ay hindi lamang lunsod na historikal at kultural, kundi rin isa sa mga pinakamasigla at pinakamaligayang lunsod ng Tsina.

 

Inanyayahan niya ang mga panauhin na bumisita sa iba’t ibang lugar ng Chengdu, para malaman ang iba’t ibang aspekto ng modernisasyong Tsino.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos