Ayon sa ulat, naganap Hulyo 30, 2023, sa Bajaur, Pakistan, ang suicide bombing na ikinamatay ng hindi bababa sa 44 tao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa, at tinawag ng Pakistan ang insidente ng isang pag-atake ng terorista.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 31, 2023 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na labis nabigla ang Tsina sa pag-atake. Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang lahat ng uri ng terorismo, mariing kinukundena ang pag-atake ng bomba na nakatuon sa mga mamamayan.
Ipinahayag din ng panig Tsino ang pakikiramay sa mga nabiktima at kanilang pamilya.
Buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang Pakistan na pasulungin ang plano sa paglaban ng terorismo, para maisakatuparan ang katatagan ng lipunan, at mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil