Unboxing video ng Sichuan Opera face-changing Rongbao blind box

2023-08-04 17:08:22  CMG
Share with:


Ang Ika-31 FISU Summer World University Games ay kasalukuyang ginaganap sa Chengdu, lalawigang Sichuan ng Tsina.

 

Kalahok din ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng 39 miyembro. Ang mga Pilipinong kabataang atleta ay lumalahok sa iba’t-ibang paligsahan na gaya ng atheletics, badminton at martial arts.

 

Ang Sichuan Opera face-changing Rongbao blind box, isa sa mga pinakapopular na produkto ng 18 series at mahigit 1000 licensed items ng Chengdu FISU World University Games.

 

Sa loob ng isang box, may tatlong bagay o bahagi ng produkto - isang main body na Rongbao, isang facial mask at isang pamaypay.

 

Itong mainbody ay si “Rongbao”, mascot ng Chengdu FISU World University Games, na may hitsura ng giant panda. Ito ay idinisenyo batay sa isang real giant panda na may pangalan na “zhima” o “sesame” sa Chendgu Research Base of Giant Panda Breeding. Siya ay pinili bilang prototype, pagkatapos ng global vote ng mascot “Rongbao” dahil siya’y mapaglaro, masigla at napakakyut.

 

Sa parte ng tiyan, makikita ang isang “U”, isang emblem na sumisimbolo sa Chengdu FISU World University Games. Ang letrang “U” ay tumutukoy sa “Universiade” at ang hugis nito ay parang isang phoenix, na binubuo ng 4 bright-color at sumisimbolo sa sigla ng mga kabataang atleta.

 

Ang costume ni “Rongbao”, facial mask, at pamaypay ay nagpapakita naman ng mga elemento ng Sichuan Opera, isa sa mga kilalang tradisyonal na Chinese Opera.

 

Itong facial mask na ito ay tinatawag na “脸谱lianpu” sa wikang Tsino, isang uri ng sining ng facial design sa Sichuan Opera at ibang mga Chinese Opera na tulad ng Peking Opera.

 

Ang Sichuan Opera ay kilalang-kilala sa napakahusay na teknik na “变脸” o face-changing. Sa seremonya ng pagbubukas ng Chengdu FISU World University Games, ginawa ng isang propesyunal na aktor ang 12 beses na face-changing sa loob ng 20 segundo, at ang huling facial design ay giant panda, napakaastig at talagang impressive iyan.

 

Ang facial mask na ito ay idinesenyo rin na magnetic, puwedeng mong isuot sa mukha ng “Rongbao”, at puwede ring gawing DIY, ipaparis ang mga magkakaibang mask sa iba’t ibang costume.

 

Tapos, sa bawat pamaypay, may mga nakasulat na characters. Binubuo ito ng 6 na characters “成都成就梦想” na may kahulugang “Chengdu makes dreams come true” sa wikang Ingles at ito rin ang slogan ng Chengdu FISU World University Games.

 

Sana makapagtamo ng magandang resulta ang lahat ng mga manlalaro na kinabibilangan ng mga atletang Pilipino, at maging katuparan ang kanilang pangarap sa Chengdu.

 

Maganda talaga ang disenyo ng souvenir ng Chengdu FISU World University Games! Maganda itong gawing pasalubong para sa mga kaibigan mo.

 

Video: Kulas&Ramil

Pulido: Ramil&Jade