Wang Yi at mga delegado ng Ika-7 China-South Asia Expo, nagtagpo

2023-08-17 16:37:08  CMG
Share with:

Agosto 16, 2023, sa sidelines ng Ika-7 China-South Asia Expo, lunsod Kunming, lalawigang Yunnan ng Tsina – Sa pagtatagpo nina Pangalawang Pangulong Pany Yathotou ng Laos at Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ng huli, na ang Tsina at Laos ay mayroong komong estratehikong kapakanan, at kasama ng Laos, nakahandang magsikap ang Tsina para ipagpatuloy ang pagkaka-unawaan at pagtitiwalaan ng isa’t-isa, suportahan at tulungan ang isa’t-isa, palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, palawakin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at isulong ang aktuwal na bunga ng mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa tungo sa pagdudulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.


Sina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Pangulong Pany Yathotou ng Laos 


Ipinahayag naman ni Pangulong Pany Yathotou, na nakahanda ring magsikap ang Laos para isakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating ng mga partido at pinakamataas na lider ng dalawang bansa; pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas; palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng isa’t-isa; at palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, turismo at iba pang larangan, upang maitatag ang modelo ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos.

 

Sa hiwalay na pakikipagkita kay Wang ni Pangalawang Punong Ministrong Tran Luu Quang ng Biyetnam, sinabi ng opisyal Tsino, na kailangang mabuting maghanda ang Tsina at Biyetnam para sa mataas na lebel na pagpapalitan sa susunod na yugto, at lalo pang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, at magkasamang pangalagaan ang seguridad ng pulitikal na kapangyarihan at sistema ng Tsina at Biyetnam.

 sina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Punong Ministrong Tran Luu Quang ng Biyetnam


Umaasa si Wang, na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Biyetnam, matatamo ang positibong bunga sa serye ng pulong ng mga lider ng Kooperasyon ng Silangang Asya.

 

Sa kabilang dako, ipinahayag naman ni Tran Luu Quang na ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina ay priyoridad ng patakarang panlabas ng Biyetnam.

 

Nakahanda ang Biyetnam na gumanap ng positibong papel sa ASEAN, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at isakatuparan ang komong pag-unlad, saad ng opisyal Biyetnames.

 

Sa magkakahiwalay na okasyon, kinatagpo rin si Wang nina Punong Ministrong Dinesh Gunawardena ng Sri Lanka at Pangalawang Pangulong Ram Sahay Prasad Yadav ng Nepal.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio