Kunming, lalawigang Yunnan ng Tsina - Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-7 China-South Asia Expo, Agosto 16, 2023, ipinanawagan ni Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, ang mas mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Timog Asya.
Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagdaraos ng China-South Asia Expo.
Kaugnay nito, pinatibay aniya ng kapuwa panig nitong nakalipas na 10 taon ang pagkakaisa at pagtutulungan, at magkasamang ipinagtanggol ang seguridad at kapaligirang pangkaunlaran ng rehiyon.
Dagdag niya, winewelkam ng panig Tsino ang patuloy na pakinabang ng mga bansa ng Timog Asya sa benepisyong dulot ng mabilis na pag-unlad ng Tsina.
Kasama ng iba’t-ibang bansa ng Timog Asya, nakahandang palakasin ng Tsina ang pagkakaisa at pagtutulungan, walang humpay na galugarin ang bagong lakas-panulak ng kaunlaran, buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kaunlaran, at gawin ang ambag sa pangmalayuang seguridad, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Para rito, iminungkahi niyang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, konektibidad, kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan, at pagpapalitang tao-sa-tao.
Pinasalamatan naman ng iba’t-ibang kalahok na panig ang paglalatag ng Tsina ng mabisang plataporma ng kooperasyon, upang tulungan ang mga bansang Timog Asyano na makinabang sa bunga ng pag-unlad ng Tsina.
Magpupunyagi anila sila upang makapag-ambag sa pagiging bukas at inklusibo, mapayapa, matatag at maunlad ang rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio