Lumisan ng Beijing, ngayong umaga, Agosto 21, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, papuntang Timog Aprika, para dumalo sa Ika-15 Brazil, Russia, India, China and South Africa (BRICS) Summit na idaraos sa Johannesburg, pinakamalaking lunsod ng bansang ito.
Samantala, sa paanyaya ni Cyril Ramaphosa, Pangulo ng Timog Aprika, isasagawa ni Xi ang dalaw pang-estado sa bansa, at magkasamang pangunguluhan ng dalawang lider ang Diyalogo ng mga Lider ng Tsina at Aprika.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio