Johannesburg, Timog Aprika – Bago ang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Timog Aprika, nilagdaan Agosto 20, 2023 (local time) ng China Media Group (CMG), African Union of Broadcasting (AUB), South African Broadcasting Corporation (SABC) at iba pang media mula sa iba’t-ibang bansang Aprikano ang kasunduang pangkooperasyon.
Sa kanilang mga mensaheng pambati, inihayag ng mga opisyal ng Timog Aprika na tulad nina Pangalawang Pangulong Paul Mashatile, at Dr. Nkosazana Clarice Dlamini Zuma, Ministro ng mga Usapin ng Kababaihan, Kabataan, at May-kapansanan, ang pag-asang magiging mabunga ang nabanggit na kooperasyon.
Sa kanya namang hiwalay na talumpati, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na nakahanda ang CMG na maging tagapagtala ng pagkakaibigan ng Tsina at Aprika.
Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG
Kailangang isulong ang kooperasyon sa pagitan ng CMG at mga media ng Aprika upang pa-angatin ang pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya, pagsasanay ng mga tauhan, at iba pa, saad ni Shen.
Ipinahayag naman ni Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Timog Aprika, na ang pagpapalitang pang-media ay mahalagang bahagi ng kooperasyon ng Tsina at Aprika.
Umaasa aniya siyang mapapalawak pa ang kooperasyon ng Tsina at Aprika, upang maisulong ang pagpapalitan ng sibilisasyon ng dalawang panig, at mapalalim ang komprehensibong estratehikong partnership sa maraming larangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio