Ipinahayag Agosto 21, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinahiran at inatake ng trilateral summit ng mga lider ng Amerika, Hapon at Timog Korea ang Tsina sa isyung may kinalaman sa Taiwan at maritime. Ito ay naki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at paghahasik ng alitan sa relasyon ng Tsina at mga nitong kapitbansa. Malubha itong lumalabag sa pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Mahigpit na tinututulan ito ng Tsina at inilahad ng Tsina ang solemnang representasyon hinggil dito sa kinauukulang panig.
Ani Wang, ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina. Magsisikap hangga’t maaari ang Tsina para sa mapayapang unipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, ngunit, hindi tinatanggap ng Tsina ang anumang tao o puwersa na maki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa umano’y katwiran ng kapayapaan.
Sinabi ni Wang na ang Tsina ay mayroong soberanya sa Nanhai Zhudao at mga katabing tubig. Isinagawa ng Tsina ang konstruksyon sa nitong sariling teritoryo at ipinatutupad ng China Coast Guard ang batas sa tubig na nasa hurisdiksyon ng Tsina.
Bilang signataryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), palagiang matapat na isinasakatuparan ng Tsina ang mga pandaigdigang batas, at hindi tatanggapin o kikilalanin ng Tsina ang arbitration award ng South China Sea.
Patuloy pangangalagaan ng Tsina ang soberanya at kapakanan ng seguridad at magsisikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para komprehensibo at mabisang isakatuparan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), aktibong pasulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), isagawa ang aktuwal na kooperasyon hinggil sa dagat, buong tatag na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at pasulungin ang rehiyonal na kasaganaan at kaunlaran.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil