Tsina: Kapayapaan at katatagan sa South China Sea, dapat pangalagaan

2023-08-12 18:30:12  CMG
Share with:

Sa pagdalaw kamakailan sa Singapore at Malaysia, nakipagpalitan ng palagay si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa mga opisyal ng naturang dalawang bansa tungkol sa kasalukuyang kalagayan sa South China Sea. Inilahad din niya ang paninindigan ng panig Tsino sa isyung ito.

 

Sinabi ni Wang, na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at ASEAN, matatag sa kabuuan ang kalagayan sa South China Sea, at nagbigay ito ng mainam na kapaligiran para sa pag-unlad ng iba’t ibang panig.

 

Pero aniya, gustong makita ng Amerika at iba pang puwersa ang kaguluhan sa South China Sea, at walang humpay silang lumilikha ng mga problema sa rehiyong ito.

 

Ani Wang, para sa kanilang estratehiyang heopulitikal, ginamit ng Amerika at iba pang puwersa ang isyu ng Ren'ai Jiao, upang likhain ang tensyon sa South China Sea, ihasik ang hidwaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, sulsulin ang komprantasyon, at sirain ang kapayapaan at katahimikan sa karagatang ito.

 

Binigyang-diin ni Wang, na dapat maging panginoon ang mga bansa sa rehiyong ito sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at dapat nila panatilihin ang kinakailangang pag-iingat sa mga masamang tangka.

 

Dagdag niya, ilang beses na ipinahayag ng Tsina ang kahandaan, kasama ng Pilipinas, na maayos na hawakan ang umiiral na pagkakaiba sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo. Umaasa aniya ang panig Tsino, na tatalima ang panig Pilipino sa mga narating na komong palagay, magbibigay-halaga sa pagtitiwalaan ng dalawang bansa na nabubuo sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang relasyon, at magsisikap kasama ng Tsina tungo sa parehong direksyon ng mabisang pangangasiwa at pagkontrol ng kalagayang pandagat.

 

Muling pinagtibay ni Wang ang pangako ng Tsina na magsikap para sa maagang pagkakaroon ng epektibo at substantibong Code of Conduct sa South China Sea (COC) na alinsunod sa pandaigdigang batas, na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

 

May ganap na kakayahan at katalinuhan ang Tsina at mga bansang ASEAN na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at itatag ang pinagbabahaginang tahanan, diin din niya.


Editor: Liu Kai