Dokumentaryong magkasamang ginawa ng CMG at SABC, sinimulan

2023-08-24 18:35:17  CMG
Share with:

Magkasamang inanunsyo Agosto 23, 2023 (local time), sa Johannesburg, Timog Aprika, nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) at Yolande van Biljon, Chief Finance Officer ng South African Broadcasting Corporation (SABC), ang pagsisimula ng magkasamang paggawa ng dokumentaryong pinamagatang “25 Years on – Documenting China-South Africa Friendship and Cooperation.”

 


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shen na umaasang siyang sa pamamagitan nito, maipagkakaloob ng dalawang panig ang mas malaking ambag sa pagpapabuti ng pagpapalitang tao-sa-tao at mutuwal na pag-aaral sa isa’t- ng mga sibilisasyong Tsino at Timog Aprikano.

 

Sinabi naman ni Yolande van Biljon na ang kooperasyon ng SABC at CMG ay sumasagisag sa pagsisimula ng estratehikong partnership ng dalawang panig.

 

Umaasa aniya siyang maisasagawa pa ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa CMG sa mas marami pang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio