Tsina, hiniling sa Amerika na agarang kanselahin ang pagbebenta ng armas sa rehiyong Taiwan

2023-08-25 16:07:02  CMG
Share with:

Ayon sa media, inaprobahan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagbebenta ng armas na nagkakahalaga ng $500 million sa Taiwan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 24, 2023, ni Wang Wenbin, tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na kinondena at matatag na tinutulan ito ng Tsina, at hinihimok ang Amerika na agarang kanselahin ang desisyon.

 


Ani Wang, ang desisyong ito ng Amerika ay malubhang lumabag sa prinsipyong isang Tsina, at regulasyon ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, lumalabag din ito sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, nakakasira ito sa soberanya at kapakanan ng seguridad ng Tsina at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.

 

Sinabi ni Wang na ang Taiwan ay bahagi ng teritoryo ng Tsina at ang isyu ng Taiwan ay ganap na suliraning panloob ng Tsina.

 

Isasagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin para mapangalagaan ang soberanya ng bansa at kabuuan ng teritoryo, dagdag ni Wang.

 

Bukod dito, ipinahayag din Agosto 24, 2023, ni Zhu Fenglian, tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Mga Suliranin ng Taiwan, ang matatag na pagtutol sa pagbebenta ng armas ng Amerika sa Taiwan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil