Bumisita sa Beijing, Agosto 26, 2023, si Steven Guilbeault, Ministro ng Kapaligiran at Pagbabago sa Klima ng Kanada para daluhan ang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina para sa China Council for International Cooperation on Environment and Development (CCICED).
Siya ang unang miyembro ng gabinete ng Kanada na bumisita sa Tsina nitong nakaraang 4 na taon.
Sinabi ni Guilbeault, nais niyang isundo ang mga aktibidad sa summit ng United Nations (UN) hinggil sa kalikasan na itinaguyod ng Kanada at pinanguluhan ng Tsina noong isang taon, kung saan narating ang pandaigdigang kasunduan sa pangangalaga sa kalikasan, na nagpapasulong sa kalahati ng ekonomiya ng buong mundo.
Ang CCICED ay isang mataas na lebel na pandaigdigang lupong tagapayo na itinayo noong 1992.
Layon nitong pasiglahin ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at internasyonal na komunidad sa usapin ng kapaligiran at sustenableng pag-unlad.
Sa ilalim ng temang “Berdeng Transisyon para sa Dekalidad na Kaunlaran: Modernisasyon sa Harmonya sa Kalikasan,” idinaraos sa Beijing ang 2023 CCICED, mula Agosto 28 hanggang 30, 2023.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio