Sa ilalim ng temang “Sibilisasyong Ekolohikal: Pagtatayo ng Pinagbabahaginang Kinabukasan para sa Lahat ng Buhay sa Mundo,” bubuksan, Miyerkules, Disyembre 7, 2022 (lokal na oras) sa Montreal, Kanada, ang Ikalawang Yugto ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties (COP15) to the United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD).
Bago pormal na simulan ang pulong, nagtalumpati, Disyembre 6, 2022, sina Huang Runqiu, Presidente ng COP15 at Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina; Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN); at Justin Trudeau, Punong Ministro ng Kanada, para salubungin ang mga kalahok.
Bilang tagapangulo ng COP15, sinabi ni Huang, na magsisikap ang Tsina para mapasulong ang pagkokoordina sa iba’t-ibang panig upang marating ang pagkakasundo sa pinakamataas na digri, at maipasa ang post-2020 Global Biodiversity Framework (GBF), tungo sa mas mainam na pangangalaga ng biodibersidad sa buong daigdig.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio