Pangalawang Premiyer He Lifeng ng Tsina at Kalihim ng Komersyo Gina Raimondo ng Amerika, nagtagpo

2023-08-30 16:16:12  CMG
Share with:

Nagtagpo Agosto 29, 2023, sa Beijing, sina He Lifeng, Pangalawang Premiyer ng Tsina, at Gina Raimondo, dumadalaw na Kalihim ng Komersyo ng Amerika.

 

Sina Pangalawang Premiyer He Lifeng ng Tsina at Gina Raimondo, dumadalaw na Kalihim ng Komersyo ng Amerika (photo from Xinhua)


Isinagawa ng dalawang panig ang matapat at konstruktibong pagtalakay hinggil sa pagsasakatuparan ng mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa Bali Island, at isyung pangkabuhayan at pangkalakalan na kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Sinang-ayunan din ng dalawang panig na dapat patuloy na panatilihin ang komunikasyon at suportahan ang kompanya ng dalawang bansa na isagawa ang aktuwal na kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil