Sa kanyang pakikipag-usap Setyembre 4, 2023, sa Beijing, kay Antonio Tajani, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Italy, sinabi ni Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, na sa harap ng mga hamong tulad ng heopulitika, dapat igiit ng Tsina at Italy ang paggagalangan sa isa’t isa, pagtitiwalaan, bukas na pagtutulungan, at pantay-pantay na diyalogo.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Italy, para isakatuparan ang mga mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, ilatag ang matatag na pundasyong pulitikal ng bilateral na relasyon ng dalawang panig, palawakin ang aktuwal na kooperasyon sa mataas na antas, pabutihin ang pagpapalitang kultural, para pasulungin ang pangmalayuan, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Italyano.
Ipinahayag naman ni Antonio Tajani na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng pangmalayuan at mataag na relasyon sa Tsina.
Aniya, nananangan ang Italy sa prinsipyong isang-Tsina, inaasahan na pahihigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mas mataas na antas at palalakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Datapuwa’t volatile ang kasalukuyang pandaigdigang kalagayan, hindi nito maaapektuhan ang relasyong Sino-Italyano, saad ni Tajani.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil