Sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Giorgia Meloni ng Italya, Nobyembre 16, 2022 sa Bali, Indonesya, sumang-ayon silang palakasin ang kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na platapormang gaya ng G20 at United Nations (UN), upang mas mabisang maharap ang iba’t ibang hamong kinakaharap ng mundo.
Sinabi ni Xi, na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, mahalaga ang pagpapasulong sa matatag at pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.
Umaasa aniya siyang tutulong ang Italya upang magkaroon ng indipendiyente’t positibong patakaran ang Unyong Europeo sa Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio