Ika-43 ASEAN Summit, binuksan sa Jakarta

2023-09-05 16:41:27  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Setyembre 5, 2023, sa Jakarta, Indonesia, ang Ika-43 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kinauukulang summit nito, na may pagtuon sa pagtatatag ng rehiyon bilang sentro ng paglago ng kabuhayan.

 


Pinanguluhan ng Indonesia ang summit para sa taong ito na may temang “ASEAN Matters: Epicentrum of Growth”. Sa kanyang talumpati sa seremoniya ng pagbubukas, nanawagan si Joko Widodo, Pangulo ng Indonesia na magkaisa ang ASEAN at huwag maging kinatawan ng anumang puwersa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil

May Kinalamang Babasahin