Sa kanyang mensaheng pambati na ipinaabot ngayong araw, Agosto 5, 2023, sa Ika-10 Pulong ng mga Ministro ng Hustisya ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang sinimulan ang sistema ng pulong ng mga Ministro ng Hustisya ng SCO noong 2013, nananangan ang iba’t ibang miyembro sa “diwa ng Shanghai” na nagsusuportahan at nagtutulungan ang isa’t isa, walang humpay na pinapasulong ang tuntunin ng batas, matatag na napapangalagaan ang pandaigdigang sistemang kung saan ang nukleo ay United Nations (UN), at pandaigdigang kaayusan na may pundasyon ng pandaigdigang batas, at ginaganap ang mahalagang papel.
Binigyan-diin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang papel ng hustisya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng ibang miyembro ng SCO, para walang humpay na palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng iba’t ibang bansa sa larangan ng batas at hustitsya, pasulungin ang dekalidad na pag-unlad ng kabuhayan, pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Sa pagtataguyod ng Ministri ng Hustisya ng Tsina, binuksan Setyembre 5, 2023, sa Shanghai ang Ika-10 Pulong ng mga Ministro ng Hustisya ng SCO.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil