Mga mungkahi kaugnay ng pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN, iniharap ng premyer Tsino

2023-09-06 16:25:44  CMG
Share with:

Sa Ika-26 na China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit Miyerkules, Setyembre 6, 2023, iniharap ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang apat na mungkahi kaugnay ng pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Una, magkapit-bisig na itatag ang sentro ng paglago ng kabuhayan, palakasin ang konektibidad, at palalimin ang kooperasyon sa industry chain at supply chain.

 

Ika-2, magkasamang pasulungin ang kooperasyon sa mga bagong sibol na industriya, at palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya, photovoltaic, Artificial Intelligent (AI) at iba pa.

 

Ika-3, magkapit-bisig na ipagtanggol ang kapayapaan at katahimikan ng rehiyon, aktibong pasulungin ang negosasyon sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), at isagawa ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa telecom fraud.

 

Ika-4, magkasamang palawakin ang pagpapalitang tao-sa-tao, at pag-ibayuhin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kultura, turismo, pagsasanay, kabataan at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil