Jakarta – Setyembre 5, 2023, dumalo at nagtalumpati si Premyer Li Qiang ng Tsina sa resepsyon ng sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at Indonesia.
Sinabi ni Li na nitong ilang taong nakalipas, sa estratehikong pamumuno ng mga lider ng Tsina at Indonesia, pinaunlad nang malaki ang relasyon ng dalawang bansa, na mayroong katuturan ng pamumuno at modelo para sa katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesia, para palawakin ang kooperasyon ng dalawang panig sa berdeng enerhiya, didyital na ekonomiya at iba pang larangan, lalo pang pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at Indonesia, saad ni Li.
Umaasa si Li na ang mga negosyante ng Tsina at Indonesia ay magiging tagapagpasulong, tagapagpakalat, at tagapagpamuno, hanapin ang pag-unlad sa pamamagitan ng pagpapalalim ng kooperasyon, at sundin ang tunguhin.
Dumalo din sa resepsyon si Luhut Binsar Pandjaitan, Koordinador ng Kooperasyon sa Tsina at Ministro sa Koordinasyon ng mga Suliraning Pandagat ng Indonesia, at ibang mga 200 kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at Indonesia.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Luhut na malakas na pinapasulong ng kooperasyong Indones-Sino ang pag-unlad ng kabuhayan ng Indonesia, at isinakatuparan ang win-win na resulta na may mutuwal na kapakinabangan.
Aniya, nakahanda ang Indonesia na lalo pang palakasin ang estratehikong pakikipagkooperasyon sa Tsina para pasulungin ang bagong pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil