Sa kanyang ginawang inspeksyon, Setyembre 6, 2023, sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na bilang kauna-unahang high-speed na daambakal sa Timogsilangang Asya, ang Jakarta-Bandung High-Speed Railway ay mahalagang proyekto ng kooperasyon ng Tsina at Indonesya, sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).

Ang proyekto ay personal aniyang suportado nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, at matagumpay na modelo ng mga umuunlad na bansa tungo sa modernisasyon.
Aniya, dapat mabuting maghanda ang dalawang panig para igarantiya ang dekalidad na pagsasaoperasyon ng nasabing daambakal.
Kasama sina Luhut Binsar Pandjaitan, Koordinador ng Kooperasyon sa Tsina at Ministro sa Koordinasyon ng mga Suliraning Pandagat ng Indonesya, at Budi Karya Sumadi, Ministro ng Transportasyon, sumakay si Li sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway, at siniyasat ang progreso ng pagtatayo ng Istasyon ng Karawang.
Kaugnay nito, sinabi niyang dapat magsikap ang dalawang panig para patuloy na pamunuan ang dekalidad na kooperasyon ng BRI sa Timogsilangang Asya, at mag-ambag para sa benepisyo ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at kasaganaan at kaunlaran ng rehiyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio