Tsina at Indonesya, lilikhain ang bagong prospek para sa bilateral na kooperasyon

2023-06-10 18:21:02  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono kahapon, Hunyo 9, 2023, sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Luhut Binsar Pandjaitan, Tagapagkoordina ng Indonesya sa Pakikipagkooperasyon sa Tsina.

 

Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Indonesya, na pasulungin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palakasin ang pulitikal na pagtitiwalaan, at likhain ang bagong prospek para sa kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman ni Luhut, na umaasa ang Indonesya, na palalalimin, kasama ng Tsina, ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang aspekto.

 

Buong sikap aniyang titiyakin ng Indonesya ang pagsasaoperasyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway sa nakatakdang iskedyul, para lubos na patingkarin ng proyektong ito ang papel sa demonstrasyon.


Editor: Liu Kai