MOFA: kinatawan ng mahigit 90 bansa, kinumpirma ang pagdalo sa ikatlong BRF

2023-09-08 16:43:04  CMG
Share with:

Ipinahayag Setyembre 7, 2023, ni Mao Ning, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, kinumpirma na ng mga kinatawan mula sa mahigit 90 bansa ang paglahok sa ikatlong Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation na idaraos sa Oktubre.

 


Ani Mao, ang pagho-host ng porum ay pinakadakilang kaganapan para sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Belt and Road Initiative (BRI).

 

Ito rin ay magiging mahalagang plataporma para sa lahat ng panig na talakayin ang dekalidad na kooperasyon ng BRI, saad ni Mao.

 

Kinumpirma din ng puno at kinatawan ng maraming pandaigdigang organisasyon ang kanilang pagdalo sa porum, at pinaniniwalaan na mas maraming partner ang kukumpirmahin ang pagdalo sa porum sa darating na ilang araw, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil