Premyer Tsino: hindi dapat isinasapulitika ang mga ekonomikong isyu

2023-09-08 16:51:24  CMG
Share with:

Sinabi Setyembre 7, 2023, ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat magkakasamang labanan ng buong daigdig ang aksyon ng labis na pag-unat ng konsepto ng seguridad, at pagsasapulitika ng ekonomikong isyu.

 

Sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim ng UN (photo from Xinhua)


Ipinahayag ito ni Li sa kanyang pakikipagtagpo kay Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa sidelines ng mga pulong ng mga lider tungkol sa kooperasyon ng Silangang Asya na idinaos sa Jakarta, Indonesya.

 

Aniya, may mga pagbabago at di-kaayusan sa kasalukuyang kalagay ang daigdig, at sa harap ng mahigpit na kalagayan, kailangang magkaisa ang komunidad ng daigdig at magkakasamang magsikap para harapin ang hamon.

 

Patuloy na matatag na sinusuportahan ng Tsina ang UN na ganapin ang sentrong papel nito sa pandaigdigang suliranin, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng UN, para pasulungin ang pagtatatg ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan, dagdag ni Li.

 

Sinabi naman ni Guterres na, sa harap ng iba't ibang hamon, dapat magkaisa ang mga bansa, palakasin ang pagtitiwalaan, iwasan ang pagkakawatak-watak ng ekonomiya ng mundo, at magkakasamang harapin ang mga hamon sa daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil