SMEDI ng Tsina, sunud-sunod na tumaas

2023-09-11 17:16:44  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas ng China Association of Small Medium Enterprises (CASME), kasabay ng pagpapalabas at pagsasagawa ng serye ng hakbangin, tumataas ang kompiyansa ng mga maliit at katamtamang kompanya sa kabuhayang Tsino.

 

Kaugnay nito, sunud-sunod na tumaas ang Small and Medium Enterprises Development Index (SMEDI) ng bansa nitong nakaraang tatlong buwan.

 

Samantala, umabot sa 89.4 ang SMEDI noong Agosto na lumaki ng 0.1 punto kumpara sa nakaraang buwan, at mas mataas kumpara sa lebel ng gayunding panahon ng 2022.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio