Sinabi Setyembre 11, 2023, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong sa Morocco batay sa nitong pangangailangan para tulungan ang bansa na harapin ang kalamidad ng lindol.
Ayon sa pinakahuling data Setyembre 10 mula sa Moroccan Interior Ministry, umabot sa 2,122 ang death toll sa malakas na lindol na naganap Setyembre 8 sa bansang ito, at 2,421 katao naman ang nasugatan.
Sinabi ni Mao, na inaunsyon ng Red Cross Society ng Tsina ang pagkakaloob ng 200,000 USD na cash sa Moroccan Red Crescent bilang pangkagipitang makataong tulong.
Ipinahayag din ng Ahensya ng Tsina sa Internasyonal na Kooperasyon sa Pag-unlad ang kahandaang ipagkaloob ang pangkagipitang makataong tulong batay sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Morocco na apektado ng lindol, dagdag ni Mao.
Salin:Sarah
Pulido:Liu