Tsina, positibo sa signal ng G20 sa magkakasamang pagharap sa mga hamon ng daigdig

2023-09-12 16:34:58  CMG
Share with:

Ipinahayag Setyembre 11, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa G20 Summit sa New Delhi, Indya, komprehensibong inilahad ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang paninindigan ng bansa sa kooperasyon ng G20, at iminungkahi sa iba’t ibang panig na magkaisa at magtulungan, para maging partner sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, pagpapalakas ng pagbubukas at pagtutulungan ng iba’t ibang bansa, at pagtataguyod sa sustenableng pag-unlad ng buong mundo.

 


Ani Mao, ipinakikita ang paninindigang Tsino sa deklarasyon ng mga lider na inilabas sa summit, at ipinadala rin ng deklarasyon sa labas ang positibong signal na magkakasamang harapin ng G20 ang mga hamon ng buong daigdig.

 

Sinabi rin ni Mao, na palagiang pinahahalagahan at sinusuportahan ng Tsina ang mga gawain ng G20.

 

Sa proseso ng paghahanda para sa G20 Summit sa New Delhi, ginanap ng Tsina ang konstruktibong papel, at sinuportahan ang summit sa pagbibigay-pansin sa mga pagkabahala ng mga umuunlad na bansa, at pagkakaroon ng maraming bunga bilang pagkatig sa komong pag-unlad ng buong daigdig, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Liu