Xi Jinping, kinumusta ang mga manggagawa ng mga adwana

2023-09-12 17:03:03  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na ginawa Setyembre 11, 2023, bilang sagot sa mga manggagawa ng Khunjerab Pass, daungan sa lupa sa hanggahan ng Tsina at Pakistan sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang sa hilagang kanluran ng Tsina, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga manggagawa ng mga adwana ng bansa, na pataasin ang episiyensiya ng superbisyon at lebel ng serbisyo, para maglingkod sa dekalidad na pag-unlad ng bansa at pagbubukas sa labas sa mataas na antas.

 

Sinabi rin ni Xi na ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng pagpapairal ng customs rank system sa Tsina, at ipinaabot niya ang pagbati at pangungumusta sa mga manggagawa ng mga adwana sa buong bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Liu