Aklat ng mga sipi ni Xi Jinping hinggil sa working class at trade union, inilathala

2023-09-11 16:27:51  CMG
Share with:

Inilathala kamakailan ng Central Party Literature Press (CPLP) ng Tsina ang aklat ng mga sipi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, hinggil sa mga gawaing may kinalaman sa working class at mga trade union.

 


Inilista ng Institute of Party History and Literature ng Komite Sentral ng CPC ang 240 kaukulang pananalita ni Xi sa 8 paksa.

 

Ang lahat ng mga sipi ay galing sa mahigit 70 mahahalagang ulat, talumpati, paliwanag, liham na pambati, sagot na liham, at patnubay na ginawa ni Xi mula noong Nobyembre 15, 2012 hanggang Hulyo 7, 2023.

 

Ilan sa mga ito ang isinapubliko sa kauna-unahang pagkakataon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio